Sinubaybay natin ang mga ulap
dahil mahal mo ang ulan.
Ang halik ng mga patak
sa iyong pilikmata ay sintamis,
kasing sandali,
ng mga sulyap
na alay ng mga tuta
tuwing nagmamahal.
Nang umulan nga ay nilanghap natin
ang pinakamasarap na sabaw,
sangkap nito ay halakhak at luha
at dahon ng pandan (why not).
Hindi ko matututunang mahalin ang ulan.
Subalit sa bawat patak ay maaalala kita,
kahit sa isang saglit lamang.
*para kay Kakay
No comments:
Post a Comment